Miyerkules, Marso 9, 2016

KAGANDAHAN NG MAPAYAPANG LIPUNAN


Ang lipunan ay ang pagsasama sama ng nagkakaisang mga Tao na may interaksyon o partisipasyon ng bawat isa na nakabubuo ng isang alituntunin o layunin upang mapaunlad at magkaroon ng kaganapan ang bawat isa. Ito ay kaloob ng Diyos sa tao upang maging instrumento ng pag-unlad at pagiging mabuting mamamayan.
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapayapang  lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang pangangailangan.

Lunes, Marso 7, 2016





Ang pagtatayo at pagbubuo ng ligtas, mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na sambayanan ay tunay na mahirap makamtan.

            Hindi ito matatamo sa ilang taon lamang. Bagama’t ito’y isang mahirap at mahabang proseso ay dapat natin itong pag-ukulan ng seryosong pansin, sapagkat ang makikinabang dito ay mga anak at salinlahi natin.

            Upang makamtan ang ganitong uri ng lipunan, dapat nating isipin na nasa ating mga kamay ang pagbubuo nito.
Ang bawat mamamayan ay bahagi at haligi ng lipunan.  Ang katayuan at kaanyuan ng lipunan ay larawan ng mga mamamayang bumubuo nito.

            Upang maging mabuting bahagi at matibay na haligi ng lipunan, kinakailangang magkaroon ng  pagbabago sa ating sarili.  Ito’y makakamtan sa pamamagitan ng pagkilala at pagtupad sa ating mga tungkulin bilang nilalang ng Diyos, miyembro ng lipunan at sanlibutan.

            Una.Tungkulin nating sumampalataya at gumalang sa Diyos.

            Pangalawa.  Tungkulin nating maging responsable, kapakipakinabang at mapagkalingang miyembro ng lipunan, nirerespeto ang sarili, mapagmahal at aruga sa pamilya, matulungin sa kapwa, mapangalaga sa kalikasan at matapat sa bansa.

            Pangatlo.Tungkulin nating gawin ang mga bagay na inaasahan nating gagawin sa atin ng ating kapwa sa oras ng panganib, kagipitan at pangangailangan.

            Sa pamamagitan lamang ng pagtupad sa mga nabanggit na tungkulin makapagbubuo tayo ng isang ligtas, mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na bansa, kung saan ang mga mamamayan ay may seguridad, dangal at pagkakataong paunlarin ang kanilang sarili.

            Sa pamamagitan lamang ng pagsasakatuparan sa mga nabanggit na tungkulin, makakamtan natin ang malinis, maayos, matapat, makatarungan at mapagkalingang pamahalaan.

            Gawin   at   tuparin   natin ang mga  nabanggit  na  tungkulin upang makamtan natin ang pinapangarap
na lipunan. 

            Magkaisa tayong gawin ito, para sa kaluwalhatian ng Diyos at alang-alang sa ating pamilya, kapwa at Inang Bayan.